Bato kinontra si Duterte: Mga pulis na may kaso hindi na makakabalik sa serbisyo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Bato kinontra si Duterte: Mga pulis na may kaso hindi na makakabalik sa serbisyo

Scandalous Government

Bato kinontra si Duterte: Mga pulis na may kaso hindi na makakabalik sa serbisyo

Hindi na makakabalik pa sa serbisyo ang mga pulis na sangkot sa mga krimen, ayon kay Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” dela Rosa. Ang naturang pahayag ay salungat sa mga sinabi ni President Rodrigo Duterte.

“I will give you the assurance na hanggang nandyan si Presidente [Rodrigo Duterte], five years, yang mga natanggal, wala ma re-instate,” ayon kay Dela Rosa.

“Kahit retired na ako, ilapit ko pa rin sa president, ‘Sir, bakit nakabalik ay gago ‘yan,'”dagdag pa ni Dela Rosa.

Inaasahan ni Dela Rosa na ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kina Korean Businessman Jee Ick Joo at Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. ay mapapatawan ng permanent removal sa serbisyo.

“Dismissed na Jee Ick Joo case, lahat accused doon. [Supt. Ma. Cristina] Nobleza, pirmahan ko ngayon. Na review yung kay [Supt. Marvin] Marcos,” ani Dela Rosa.

Ang mga pahayag ni Dela Rosa ay kabaligtaran ng inihayag ni Duterte noon.

Nangako si Duterte na makakalaya’t makakabalik sa pagkapulis ang mga sangkot sa pagpatay kay Espinosa.

“Maconvict? Ay walang problema. Magsibasa ng ‘you are hereby sentenced to.’ Ah, tatawag niyan, ‘Sir convicted kami.’ ‘Sabihin mo sa judge sandali lang.’ Pardon O, bigay mo sa judge. Ipabasa mo sa judge. O pardon pala kayo lahat. O, restored to full and political, civil rights. And reinstated order with the promotion one rank higher,” ayon kay Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top