BFAR exec: Galunggong na iaangkat mula China, posibleng galing sa West Philippine Sea | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

BFAR exec: Galunggong na iaangkat mula China, posibleng galing sa West Philippine Sea

Scandalous Government

BFAR exec: Galunggong na iaangkat mula China, posibleng galing sa West Philippine Sea

Posibleng galing sa West Philippine Sea ang mga aangkating round scad fish o galunggong mula China, ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Undersecretary Eduardo Gongona.

Ayon kay Gongona, hindi lahat ng isda ay nahuhuli ng mga mangingisda sa municipal waters o 15 kilometro mula sa shoreline, kaya minsan ay kinakailangang lumayo pa ang mga ito.

“Hindi kaya ng mga mangingisda na kunin lahat. Kapag hindi mo na-catch sa municipal waters, lalabas na sa territory. Posible na ang isda na import from China o ibang bansa ay galing pa dito sa Pilipinas, sa West Philippine Sea,” ani Gongona.

Kamakailan lang ay inaprubahan ng Department of Agriculture ang pag-import ng galunggong dahil sa mataas na presyo ng iba pang mga isda at seafood sa pamilihan.

Aangkat ang Pilipinas ng 17,000 metric tons ng galunggong mula sa China, Taiwan, at Vietnam.

Sa kabila ng pag-aangkat, inaasahang mataas pa rin ang presyo ng galunggong.

“Of course, the prices will be more expensive now when imported, even if that is possibly our fish,” ani Gongona.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top