Binigo ang Marawi: Duterte nais palawigin ang Martial Law hanggang December 31 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Binigo ang Marawi: Duterte nais palawigin ang Martial Law hanggang December 31

Scandalous Government

Binigo ang Marawi: Duterte nais palawigin ang Martial Law hanggang December 31

Matapos ang ilang beses na pangako na matatapos agad ang karahasan sa Marawi City, nais ni President Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law sa Mindanao hanggang December 31.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nagdesisyon si Duterte na makiusap sa Kongreso na i-extend pa ang batas militar sapagkat hindi pa umano matatapos ang gulo sa Marawi bago mag-July 22, ang araw kung kailan mapapaso ang naunang proklamasyon.

“For this reason, that because public safety requires it, I call upon the Congress to extend until 31st of December 2017, or for such a period of time as the Congress may determine, the proclamation of martial law and the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus in the whole of Mindanao,” pahayag ni Duterte.

Ang pagpapalawig ng batas militar, ayon kay Duterte, ay para magampanan umano ng maayos ng militar ang kanilang misyon ng walang iniisip na deadline.

Pinaasa

Ilang beses ng nagpahayag si Duterte na matatapos na ang kaguluhan sa nasabing lungsod.

Noong June 4, sinabi ni Duterte na matatapos na ang gulo sa loob lamang ng tatlong araw. At maaaring matapos rin sa loob ng 24 oras sa pamamagitan ng pagbomba sa buong lungsod.

“This (Marawi siege) will be over in about three more days,” ayon kay Duterte.

“Alam mo, sa totoo lang, would it not because government is bound by rules and the values of civility, I can end this war (Marawi conflict) in 24 hours. Alam mo bombahan ko lang lahat ‘yan (I will just bomb them). I have 20 new jets,” dagdag pa ni Duterte.

Noong June 29, sinabi ni Duterte na “in the matter of days” ay matatapos na ang kaguluhan doon.

“The way it’s evolving now, I think it will be a matter of days. Before the end of the month, matatapos na,” ayon kay Duterte.

July 3, sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hangad ng pamahalaan na matapos ang kaguluhan doon bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

“Sana tapos na and that is one of the things that I have asked the commanders on the ground that if they could terminate the conflict there before the president goes on his SONA,” ayon kay Lorenzana.

July 15, ipinahayag naman ni Duterte na matatapos na ang gulo sa loob ng 10 hanggang 15 na araw.

“Gusto kong pumunta doon, ‘yung hindi naman ako maipasubo ng sundalo na really, basta ilayo lang ako nang kaunti, basta I want to be there while there is still fighting so that I can observe. Palagay ko, 10 to 15 days okay na,” ani Duterte.

Nais ng mga evacuees na apektado ng Marawi siege na bumalik na sa kani-kanilang mga tahanan sa araw ng SONA ni Duterte.

Pinakamalalang krisis 

Ang karahasan sa Marawi ay itinuturing na bilang pinakamalalang krisis mula noong nangyari ang Battle of Jolo noong 1974, kung saan halos 10,000 ang pinangangambahang patay, sugatan, at nawawala.

Pumalo na sa 629 ang death toll sa Marawi. 411 dito ay mga napatay na terorista; 97 ang mga sundalo; at 119 na sibilyan.

Halos 180,000 na mga sibilyan ang inilikas, habang 84,760 ay itinuturing na displaced dahil sa karahasan.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top