Canada, ire-review ang helicopter deal sa Pilipinas dahil sa human rights issue | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Canada, ire-review ang helicopter deal sa Pilipinas dahil sa human rights issue

Scandalous Government

Canada, ire-review ang helicopter deal sa Pilipinas dahil sa human rights issue

Iniutos ng Canadian government ang pag-review sa $233 million helicopter deal nito sa Pilipinas dahil sa kasalukuyang isyu ng human rights.

Nilinaw ni Canadian Trade Minister Francois-Philippe Champagne na para lamang sa search-and-rescue operations ang pagbenta nila ng 16 Bell 412EPI helicopters sa Pilipinas.

Subalit sinabi ni AFP Maj. Gen. Restituto Padilla na gagamitin nila ang mga helicopters para sa internal security operations, maliban sa disaster relief at rescue operations.

“When we saw that declaration … we immediately launched a review with the relevant authorities. And we will obviously review the facts and take the right decision,” ani Champagne.

Ayon kay Champagne, ang human rights ay isa sa mga mahalagang aspeto ng kanilang foreign at trade policies.

“Human rights is a key element of our foreign policy and of our trade policy,” ani Champagne.

Lumobo sa mahigit 12,000 katao ang nasawi dahil sa huwad na kampanya kontra illegal na droga ni President Rodrigo Duterte. Ibinalik sa active status ang Philippine National Police sa drug war matapos pangunahan ng Philippine Drug Enforcement Authority ang ‘bloodless’ anti-illegal drug operations.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top