China, magtatayo ng 2 tulay sa Pasig River; ginawa nilang tulay sa Kenya, bumagsak | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

China, magtatayo ng 2 tulay sa Pasig River; ginawa nilang tulay sa Kenya, bumagsak

Scandalous Government

China, magtatayo ng 2 tulay sa Pasig River; ginawa nilang tulay sa Kenya, bumagsak

Dalawang tulay ang itatayo ng People’s Republic of China (PRC) sa Pasig River, ito ay matapos makipagsundo sa gobyerno ng Pilipinas.

Sagot ng China ang pondo at construction ng dalawang tulay: ang Binondo-Intramuros Bridge sa Maynila, at ang Estrella-Pantaleon Bridge na magdudugtong sa Makati at Mandaluyong.

 

Ang construction ay target na simulan sa huling bahagi ng 2017 at magtatagal ito ng dalawang taon.

Ang nasabing kasunduan ay nilagdaan ni DPWH Secretary Mark Villar, at ni Embassy of China in the Philippines Economic and Commercial Counsellor Jin Yuan.

Ayon sa Department of Finance, aabot sa $75 milyon [PhP 3,789,750,000; $1 = PhP 50.53 as of June 29] ang gagastusin para sa nasabing proyekto.

Subalit, sa bansang Kenya, bumagsak ang tulay na ipinatayo ng China roon.

Ang tulay na nagkakahalaga ng $10 milyon ay nasira sa kasagsagan ng konstruksyon nito. Agad sinuspinde ng gobyerno ang paggawa at sinimulan na ang imbestigasyon.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top