China, illegal na nag-survey sa Benham Rise sa panahon nila Arroyo at Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

China, illegal na nag-survey sa Benham Rise sa panahon nila Arroyo at Duterte

Scandalous Government

China, illegal na nag-survey sa Benham Rise sa panahon nila Arroyo at Duterte

Nabunyag sa Senate hearing kaugnay sa Benham o mas kilala ngayon bilang Philippine Rise ang illegal na survey na isinagawa ng China sa panahon nila dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at incumbent President Rodrigo Duterte.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, unang naitala ang illegal entry ng China sa Benham Rise noong 2004. Ang ginawang ‘maritime science research’ ng China noon ay ginawa pang basehan para pangalanan ang ilang features nito.

“For one, [they] conducted MSR in 2004. It did not go through the process, they had no permits. That ship, as a result, they filed for naming of names, this is now those they filed in May 2016,” ani Esperon.

Ibinuntong naman ng sisi ni Esperon ang kakulangan umano ng capabilities ng Philippine Navy upang bantayan ang teritoryo ng bansa.

“We are very much concerned but if we look at the resources that we have… we have sufficient but limited capabilities. Ganun din Northern Luzon Command,” ani Esperon.

2017 survey

Noong 2017, ibinunyag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mayroong isang Chinese ship ang nagsasagawa ng survey sa isang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas na nagtagal ng tatlong buwan.

Kinumpirma ito ni Esperon at sinabing illegal rin ang ginawang iyon ng China.

“Meron noon, isang research ship… natatandaan ko ung controversy dyan mga April last year, kaya pinangalanan na nating Philippine Rise, kaya nagalit tayo,” ani Esperon.

2018 survey violations

Ayon naman kay maritime law expert Jay Batongbacal, nilabag ng China ang mga nilalaman ng permission na kanilang nakuha mula sa gobyerno nang mag-survey ito noong January 2018.

Ayon kay Batongbacal, sa anim na araw na itinagal ng survey, tatlong araw lang kasama ng mga Chinese ang Filipino counterparts nito.

Dagdag pa nito, dumating ang Chinese survey ship na mas maaga kumpara sa itinakda ng permiso. At pinatay pa nito ang Automatic Identification System (AIS) na nagsisilbing tracker nito.

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top