COA: Ilocos Norte govt, pineke ang bid documents; mga kwestyonableng transaksyon, nabisto | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

COA: Ilocos Norte govt, pineke ang bid documents; mga kwestyonableng transaksyon, nabisto

Marcos Pa Rin - mga ulol

COA: Ilocos Norte govt, pineke ang bid documents; mga kwestyonableng transaksyon, nabisto

Tatak Marcos

Nabisto ng Commission on Audit (COA) ang pagpeke ng Ilocos Norte provincial government sa bid documents nito, pati na rin ang milyun-milyong pisong halaga ng iba’t ibang kwestyonableng transaksyon noong 2016 at 2017.

Si Imee Marcos ang kasalukuyang gobernador ng Ilocos Norte.

Ayon sa 2017 audit report ng COA para sa probinsya, gumamit ng mga pekeng dokumento ang provincial government para makabili ng supplies na nagkakahalaga ng P21.76 milyon.

“The Invitation to Bid reference numbers stated in the PhilGEPS (Philippine Government Electronic Procurement System) printouts belong to other government agencies, a clear manifestation of the fabrication of documents to support the disbursements/payments of the suppliers/contractors, thus affecting the legality, validity, and propriety of the disbursements/payments,” ayon sa report ng COA.

Kinuwestiyon rin ng COA ang 2017 transactions ng Ilocos Norte na nagkakahalaga ng P84.704 milyon, at P69.420 milyon naman para sa mga binili nito noong 2016.

Sabi ng COA, ang mga naging transaksyon ay walang supporting distribution lists kaya hindi nila tukoy kung kumpletong natanggap ng provincial gov’t ang mga ito.

Ang mga nasabing transaksyon ay nakalaan umano sa farm implements, insecticides, pesticides, fertilizers, school supplies, grocery items, medicines, at medicinal supplies.

Sinuway rin ng COA ang pagkakaroon ng brand specifications sa mga item na binili ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P470,866. Ito ay ang Wilson and Floormate floor polishers, Makita angle grinder, 4 units ng Carrier air-conditioner, at iPad tablet.

Kwestyonable rin, ayon sa COA, ang medicines, textbooks, agricultural at marine supplies na nasa imbentaryo ng Ilocos Norte na nagkakahalaga ng P125.058 milyon. Ito ay dahil sa kawalan ng periodic assessment of inventory.

Sobra-sobra rin ang stock ng gamot ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P7.506 milyon.

Pangamba pa ng COA, maaaring nasira na ang dapat sana’y ibabahaging agricultural at marine supplies na nagkakahalaga ng P57.372 milyon dahil sa matagal nitong pagkakaimbak.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top