COA: P101.82 bilyon, nasayang dahil sa katiwalian noong Arroyo administration | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

COA: P101.82 bilyon, nasayang dahil sa katiwalian noong Arroyo administration

Scandalous Government

COA: P101.82 bilyon, nasayang dahil sa katiwalian noong Arroyo administration

Nauwi lang sa wala ang P101.82 bilyon dahil sa kaliwa’t kanang katiwalian sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ayon sa Commission on Audit (COA).

Ayon sa special audit report ng COA, mula 2007 hanggang 2009, napakaraming anomalya ang nangyari sa administrasyong Arroyo.

“Most audit findings categorically indicate pecuniary loss on the part of the government, as a result of violations of law, rules and regulations,” ayon sa report.

Ito ay nagmula sa libu-libong unauthorized expenses, unaccounted cash advances, uncollected duties, fictitious claims, nawawalang assets, o inabandonang government projects.

Halimbawa na lang ay ang pagbibigay ng P1.862 bilyong cash advances sa dalawang government treasurer sa Maguindanao, at P1.123 bilyong ibinayad sa pekeng supplier.

Source: Philippine Daily Inquirer 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top