Constitutional crisis nakaamba dahil hindi susundin ni Duterte ang SC, Kongreso | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Constitutional crisis nakaamba dahil hindi susundin ni Duterte ang SC, Kongreso

Scandalous Government

Constitutional crisis nakaamba dahil hindi susundin ni Duterte ang SC, Kongreso

Pinanindigan ni President Rodrigo Duterte na hindi niya susundin ang anumang desisyon na gagawin ng Kongreso at ng Korte Suprema kaugnay sa kanyang pagdedeklara ng martial law sa Mindanao.

Tanging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) lamang ang papakinggan ni Duterte tungkol sa batas militar.

“Until the police and the armed forces say the Philippines is safe, this martial law will continue. I will not listen to others. The Supreme Court, Congress, they are not here,” ani Duterte.

Dahil sa naging pahayag ng Pangulo, posibleng magkaroon ng constitutional crisis kung hindi niya susundin at rerespetuhin ang anumang desisyon na gagawin ng hudikatura at lehislatura.

Nakasaad sa Saligang Batas na kinakailangan ang batas militar ng approval o revocation mula sa joint session ng Kongreso, at hindi lalagpas ng 60 araw ang deklarasyon nito. Kung gusto ng Pangulo na pahabain pa ang panahon ng martial law, kailangan niya ng 2/3 ng mga mambabatas upang maaprubahan ito.

Samantala, trabaho naman ng mga mahistrado ng Korte Suprema na tingnan kung may ‘factual basis’ ang batas militar. Maaaring dumulog ang mga may tutol o reklamo ukol sa proklamasyon sa kanila.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top