Duterte, dati pang ipinangako ang pardon at pag-reinstate kay Supt. Marvin Marcos | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte, dati pang ipinangako ang pardon at pag-reinstate kay Supt. Marvin Marcos

Scandalous Government

Duterte, dati pang ipinangako ang pardon at pag-reinstate kay Supt. Marvin Marcos

Hindi na katakataka pa ang pagbaba sa kasong murder patungong homicide ng grupo ni PNP Supt. Marvin Marcos, na akusado sa pagpatay sa dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr.

Mismong si President Rodrigo Duterte ang nagsabi na bibigyan niya ng proteksyon ang mga pulis na sumusunod lang umano sa kanyang utos.

“So any policeman charged for killing those bastards, they will have my protection. You can charge them with anything,” ayon kay Duterte noong March 29, 2017.

Mas paniniwalaan pa ni Duterte ang pahayag ng mga pulis kaysa sa ibang mga tao.

“Sino paniwalaan ko? Yung witnesses na mga preso o mga pulis ko? Oh, di yung pulis ko. Now they have been charged with murder. I will support them. Walang problema. Lahat every military and policeman who will do his job,” dagdag ni Duterte.

Noong Marso, sinabi ni Duterte na sumusunod lamang sa kanyang utos ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Espinosa.

“Itong pulis, hindi ko rin pwede iwanan. Hidi ko talaga pwede iwanan. Baka nga talaga sinunod yung utos ko,” ani Duterte.

Nangako rin si Duterte na bibigyan niya ng absolute pardon at reinstatement sa serbisyo ang mga akusado sa sandaling ma-convict sila.

“Maconvict? Ay walang problema. Magsibasa ng ‘you are hereby sentenced to.’ Ah, tatawag niyan, ‘Sir convicted kami.’ ‘Sabihin mo sa judge sandali lang.’ Pardon O, bigay mo sa judge. Ipabasa mo sa judge. O pardon pala kayo lahat. O, restored to full and political, civil rights. And reinstated order with the promotion one rank higher,” ani Duterte.

“The Constitution says the President can pardon either conditional or absolute a convicted criminal or grant amnesty with the concurrence of Congress. ‘Yan kung marami kung rebelled, magka-ayos kami. Baka lang magka-ayos,” dagdag pa ni Duterte.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top