Duterte Double Standard: Mabilis sa kaaway, madaming kaartehan pagdating sa anak | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte Double Standard: Mabilis sa kaaway, madaming kaartehan pagdating sa anak

Duterte's Dilemma

Duterte Double Standard: Mabilis sa kaaway, madaming kaartehan pagdating sa anak

Pinayagan ni President Rodrigo Duterte si Police Chief Inspector Jovie Espenido na madestino sa Iloilo, ang lugar na tinagurian niyang “most shabulized”.

Si Espenido ang namahala sa pagpatay kina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., na parehong idinadawit ni Duterte sa droga.

Iloilo, most shabulized? 

Matagal ng idinawit ni Duterte ang Iloilo sa droga. Sa kanyang listahan, 12 government at police officials ay mula sa Iloilo.

“In the Visayas, Alex Centena, Calinog, Iloilo; Julius Ronald Pacificador, Hamtic, Antique; Jed Mabilog, I think he’s the mayor, Iloilo City; Sigfredo Salangutin-Betita – Carles, Iloilo; Mariano Malones, Maasin, Iloilo. Sabi ko noon eh, when I was campaigning actually, lahat ng tao doon, lahat ng tao, mayor kung maari tulungan mo kami…” ayon kay Duterte.

Hindi na ipinaliwanag pa ni Duterte kung bakit niya tinaguriang “shabulized” ang Iloilo, subalit iba ang sinasabi ng datos ng gobyerno.

Ayon sa datos na nakuha ng VERA Files, pang-79 ang Iloilo province pagdating sa number of drug-affected barangays per province, habang pang-51 naman ang Iloilo City.

Kasali naman sa top 20 na lugar na may pinakamtaas na bilang ng drug-affected barangays ang Davao City.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jed Mabilog, drug free na ang kanyang lungsod.

“Dito po makikita na natin ang malaking pagbabago ng lungsod ng iloilo . kahit po ang mga taga iloilo ay makakapagsabi na hindi na po most shabulized city ang iloilo dahil sa strict implementation against illegal drugs,” ayon kay Mabilog.

Double Standard

Habang idinadawit lamang si Mabilog sa droga, mabilis itong inaksyunan ni Duterte at in-assign na kaagad doon si Espenido.

Subalit, pagdating sa anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na idinadawit sa droga at smuggling, ayon kay Duterte ay kailangan niya ng affidavit na magpapatunay dito.

“If my son was really into it, all you have to do is to produce the paper. Because there are two kinds of evidence, oral pati documentary… Sabi ko, just give me an affidavit and I will step down as President of this Republic,” ani Duterte.

Dahil ba natalo lang sa Iloilo?

Noong 2016 presidential elections, nanguna si dating DILG Secretary Mar Roxas sa Iloilo City na may 119,972 votes. Milya-milya ang layo mula sa pumapangalawa na si Duterte na nakakuha lamang ng 39,680 votes.

Sa buong probinsya, nanguna si Roxas na may 657,940 votes, pumangalawa si Grace Poe na may 166,480 votes, habang pumangatlo lamang si Duterte na may 146,294 votes.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top