Duterte government, nag-demo ng spyware na tinatawag na PC Surveillance System | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte government, nag-demo ng spyware na tinatawag na PC Surveillance System

Scandalous Government

Duterte government, nag-demo ng spyware na tinatawag na PC Surveillance System

Lumabas sa isang pag-aaral na nag-demo ang Malacañang ng isang spyware na kung tawagin ay PC Surveillance System (PSS).

Ayon sa website na Citizen Lab, ang PSS ay commercial spyware product na ibinebenta ng Cyberbit, na isang Israel-based cyber-security company na pagmamay-ari ng Elbit Systems.

“[PSS is] a comprehensive solution for monitoring and extracting information from remote PCs,” ang pagsasalarawan ng Cyberbit.

Makikita sa kanilang marketing materials kung aling data ang kinukuha ng PSS.

Source: Cyberbit

“[PSS] helps LEAs and intelligence organizations to reduce crime, prevent terrorism and maintain public safety by gaining access, monitoring, extracting and analyzing information from remote PCs,” ayon sa Cyberbit.

Base sa pag-aaral ng Citizen Lab, ang PSS ay ginamit ng bansang Ethiopia upang manmanin at i-target ang mga dissidents nito.

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nag-demo ng spyware.

 

Source: Citizen Lab

Noong February 2017, tumagal ng halos 25 minuto ang demonstration ng spyware sa Malacañang.

Naobserbahan ng Citizen Lab ang infection sa isang IP address na galing sa subdomain ng website ng Malacañang (malacanang.gov.ph).

Sinundan pa ng dalawang aktibidad matapos isagawa ang demo sa Palasyo.

Bago magkaroon ng demo sa Palasyo, nakitaan ng infection ng spyware ang website ng Manila New World Hotel.

Limang araw minanmanan ng Citizen Lab ang spyware demo sa Pilipinas.

Sa conclusion ng Citizen Lab, idiniin nito na pawang mga bansang mayroong leader na may authoritarian tendencies ang sumubok ng spyware.

“Our analysis also indicates apparent demonstrations of the spyware in several other countries where leaders have exhibited authoritarian tendencies, and/or where there are political corruption and accountability challenges, such as Nigeria, Philippines, Rwanda, Uzbekistan, and Zambia,” ani Citizen Lab.

“We expect that authoritarian and other politically corrupt leaders will continue to obtain and use spyware to covertly surveil and invisibly sabotage the individuals and institutions that hold them to account,” dagdag pa ng Citizen Lab.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top