Duterte hindi invited sa G20 Summit? | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte hindi invited sa G20 Summit?

Scandalous Government

Duterte hindi invited sa G20 Summit?

No-show si President Rodrigo Duterte, ang tumatayong 2017 Chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sa G20 Summit ngayong taon sa Germany.

Permanent guest invitee ang Chair ng ASEAN sa bawat isinasagawang pagpupulong ng G20 taun-taon.

Noong 2016, dinaluhan ni President Bounnhang Vorachith ng Laos ang nasabing pagpupulong bilang kinatawan ng ASEAN. Habang noong 2015 ay dinaluhan naman ito ni Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Ang G20 ay isang international forum ng mga heads of government at central bank governors mula sa 20 top economies sa buong mundo.

Ang G20 ay kinabibilangan ng mga bansang Argentina, Australia, Brazil, Canada, China, France, Germany, India, Indonesia, Italy, Japan, Mexico, Russia, Saudi Arabia, South Africa, South Korea, Turkey, United Kingdom, United States, at ng organisasyon na European Union.

Kabilang sa mga permanent guest invitees ng G20 maliban sa Chair ng ASEAN ay ang mga sumusunod:

  1. Chair ng African Union
  2. host nation ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC)
  3. Chair ng Financial Stability Board (FSB)
  4. Director-General ng International Labour Organization (ILO)
  5. Managing Director ng International Monetary Fund (IMF)
  6. Prime Minister ng Spain
  7. Chair ng New Partnership for Africa’s Development (NEPAD)
  8. Secretary-general ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD)
  9. Secretary-general ng United Nations
  10. President ng World Bank Group
  11. Director-general ng World Trade Organization (WTO).
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top