Duterte, muling tinanggihan ang EU aid: Forget it, we will survive | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte, muling tinanggihan ang EU aid: Forget it, we will survive

Scandalous Government

Duterte, muling tinanggihan ang EU aid: Forget it, we will survive

Umatake na naman si Totoy Hubris.

Muling tinanggihan ni President Rodrigo Duterte ang anumang tulong mula sa European Union (EU).

Matapos ganapin ang ASEAN-EU Commemorative Summit, nanindigan si Duterte na hindi tatanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng tulong mula sa EU.

“Forget it. We will survive, even if we have to eat dried fish and rice, we will survive,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, insulto umano ang alok na EU assistance.

“Just don’t fuck with my country about sovereignty. That is really an insult. I consider it as a very serious insult,” ani Duterte.

“Keep your money. Do not meddle with the sovereignty of my country. Do not impose conditions,” dagdag pa ni Duterte.

Ayaw umano ni Duterte ng mga kondisyon sa pagtanggap ng aid.

“We are not rich, we are poor. But we do not bargain dignity by accepting money (with) conditionalities that are not really acceptable to us,” ani Duterte.

Makakatanggap sana ang Pilipinas ng PHP 18.05 bilyon mula sa EU sa ilalim ng Multi-Annual Indicative Program. Ang pera ay gagamitin para sa sustainable energy at paglikha ng mga trabaho, gayundin para sa judicial reforms at outreach programs.

Bukod pa dito, nangako ang EU na magbibigay sila ng aabot sa PHP 6 bilyon halaga ng tulong para sa mga residente ng Marawi City na nawalan ng tirahan at ari-arian bunsod ng giyera doon.

‘Magtiis kayo sa hirap, gutom!’

Halos isang buwan bago panindigan ni Duterte ang pag-reject sa EU aid, sinabi nito sa mga jeepney drivers na magtiis sila sa hirap at gutom kung mahirap sila.

“Mahirap kayo? Magtiis kayo sa hirap at gutom. Wala akong pakialam,” ani Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top