Duterte nangakong makakalaya ang mga pulis na may kaso dahil sa drug war | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte nangakong makakalaya ang mga pulis na may kaso dahil sa drug war

Scandalous Government

Duterte nangakong makakalaya ang mga pulis na may kaso dahil sa drug war

Nangako si President Rodrigo Duterte ng kalayaan sa mga pulis na kakasuhan dahil sa naging trabaho nila sa kampanya kontra illegal na droga.

“I will not allow, even at the risk of losing the presidency, any policeman or soldier to go to prison for destroying the drug industry,” ayon kay Duterte.

“For those who are facing charges, they can be very sure they can walk out free men,” dagdag pa ni Duterte.

Bago ang pahayag na ito ni Duterte, umani ng batikos ang Department of Justice (DOJ) dahil sa pagbaba ng kasong murder patungong homicide ng grupo ni Supt. Marvin Marcos, na pumaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

Nangako rin si Duterte na papalayain niya ang grupo ni Marcos kung sakaling i-convict sila ng korte.

“Maconvict? Ay walang problema. Magsibasa ng ‘you are hereby sentenced to.’ Ah, tatawag niyan, ‘Sir convicted kami.’ ‘Sabihin mo sa judge sandali lang.’ Pardon O, bigay mo sa judge. Ipabasa mo sa judge. O pardon pala kayo lahat. O, restored to full and political, civil rights. And reinstated order with the promotion one rank higher,” ani Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top