EO 310: Pangulo, VP lamang ang pwedeng gumamit ng Official Seals ng kanilang opisina | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

EO 310: Pangulo, VP lamang ang pwedeng gumamit ng Official Seals ng kanilang opisina

Scandalous Government

EO 310: Pangulo, VP lamang ang pwedeng gumamit ng Official Seals ng kanilang opisina

Naging kontrobersyal ang pre-debut photoshoot ni Isabelle Duterte, ang apo ni President Rodrigo Duterte, dahil ginawa ito sa loob ng Malacañang Palace.

Photo Courtesy: Frankie Bacierto / Instagram

Photo Courtesy: RNEP Events / Instagram

Ang mga litrato ni Isabelle ay umani ng batikos dahil nagpapakita ng pagka-grandyoso o “Imeldific”, kasalungat ng ipinapalabas na laki sa hirap at simpleng pamumuhay ng pamilya.

Sa kasagsagan ng isyung ito, lumutang ang isang executive order na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004.

Ang Executive Order 310 s. 2004 ay patungkol sa naaayong paggamit ng mga official symbols ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

Sa Section 3 ng EO 310, nakasaad dito na “the Coat-of-Arms, Seal, and Flag of the President of the Philippines or of the Vice President of the Philippines shall be exclusively used to represent the President of the Philippines or the Vice President of the Philippines, respectively.” 

Pinapayagang gamitin ang mga official symbols kung ito’y gagamitin sa pagtatala ng kasaysayan at impormasyon hinggil sa Presidente at Bise Presidente, o idi-display sa mga museo at libraries.

Sa pagkuha naman ng litrato ng official seal, pinapayagan lamang ito kung ito ay gagamitin sa isang “bona fide news content” tungkol sa Pangulo o Pangalawang Pangulo.

“Use by way of photographic or electronic visual reproduction in pictures, moving pictures, telecasts, or otherwise of bona fide news content,” ayon sa EO 310.

Samantala, ang Chief Presidential Protocol ang nagbibigay ng pahintulot sa paggamit ng mga official symbols ng Pangulo.

“Such other uses for exceptional historical, educational, or newsworthy purposes as may be authorized in writing by the Office of Presidential Protocol.”

Sa Section 4 ng EO, nakasaad naman ang mga parusang maaaring igawad kung ito ay sasawayin.

“Any violation of the provisions of this Executive Order shall be severely dealt with administratively, civilly, and criminally.”

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top