Ethel Booba to Gloria Arroyo: Nahiya ka pang i-decriminalize ang plunder, corruption | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ethel Booba to Gloria Arroyo: Nahiya ka pang i-decriminalize ang plunder, corruption

'Di Best, 'Di Brightest

Ethel Booba to Gloria Arroyo: Nahiya ka pang i-decriminalize ang plunder, corruption

Binatikos ng celebrity-comedian na si Ethel Booba ang pagpasa sa 2nd reading ng draft federal constitution ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Kongreso.

Ayon kay Booba, tila nahiya pa si Arroyo na i-decriminalize ang graft, plunder, at corruption matapos tanggalin ang term limits sa draft federal charter.

“On GMA’s draft Federal Constitution she includes no term limits on all lawmakers. Wow! Feeling ko nahiya lang sya idagdag na idecriminalize ang graft, plunder and corruption. Charot!” ani Booba.

Sa Resolution of Both Houses (RBH) 15, nais ng mga kongresista na baguhin ang kasalukuyang 1987 Constitution, patungo sa isang bagong sistema ng pamahalaan sa pamamagitan ng federalism:

  • Apat na taon ang termino ng presidente at bise-presidente, at may reelection.
  • Kailangan galing sa isang partido at magka-tandem ang presidente at bise-presidente.
  • Walang anti-dynasty provision.
  • Pag-alis ng 3-term limit para sa mga kongresista at 2-term limit sa mga senador.
  • Pagbuhay sa two-party system.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top