Ex-Customs official sa shabu magnetic lifters: Dogs, x-rays don't lie; alam ni Duterte 'yan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ex-Customs official sa shabu magnetic lifters: Dogs, x-rays don’t lie; alam ni Duterte ‘yan

Scandalous Government

Ex-Customs official sa shabu magnetic lifters: Dogs, x-rays don’t lie; alam ni Duterte ‘yan

Iginiit ng dating Bureau of Customs  X-ray Inspection Project (XIP) chief Lourdes Mangaoang na may lamang shabu ang mga magnetic lifter na na-recover sa Cavite.

Ayon kay Mangaoan, na-detect ng kanilang x-ray machines ang mga shabu na nasa loob ng magnetic lifters. Naniniwala siyang planado ang pagpuslit sa mga ito.

“Dogs don’t lie, x-ray machines do not lie, only people can lie. I am very sure it was deliberate, dahil iyan ang modus operandi, para hindi makita ng examiner na may laman yung container na hindi naka-deklara, pinapadilim nila, sinasadya nila idilim yung image,” ani Mangaoang.

Iginiit ni Mangaoang na gumagana ng maayos ang x-rays machines, taliwas sa mga sinasabi na hindi ito nasa ayos nang dumaan ang magnetic lifters.

“The x-ray can penetrate 11 inches of steel, therefore kaya niyang i-penetrate ito. What the Bureau of Customs officials is doing, they are covering up for the crime,” ani Mangaoang.

Sinisi ni Mangaoang si Customs Commissioner Isidro Lapeña sa pagkawala ng mga shabu sa magnetic lifters.

“I believe so, because I gave him a copy sir may laman yan, i-relieve mo yung mga involved, pero wala siyang aksyon. Pinagtatakahan ko wala siyang aksyon. Shabu ito,” ani Mangaoang.

Ipaglalaban ni Mangaoang ang katotohanan sa insidente dahil alam mismo ni President Rodrigo Duterte na may lamang droga ang magnetic lifters.

“I am for the truth, hindi ko matanggap na ang mga taga-Bureau of Customs ay magpapalusot ng droga. No less than the President came out with a matrix. Alam ni Presidente na may laman ito,” ani Mangaoang.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top