Ex-intel officer, nagbabala sa pagpasok ng China Telecom sa Pilipinas: 'We're dead' | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ex-intel officer, nagbabala sa pagpasok ng China Telecom sa Pilipinas: ‘We’re dead’

Scandalous Government

Ex-intel officer, nagbabala sa pagpasok ng China Telecom sa Pilipinas: ‘We’re dead’

‘We’re dead’

Nagbabala ang dating intelligence officer sa pagpasok ng China Telecom sa telecommunications industry ng Pilipinas.

Ang intel officer na nagpaunlak ng panayam sa Philippine Daily Inquirer ay naglingkod sa isang mahalagang posisyon sa pamahalaan, sa kasagsagan ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ang sobrang paghanga ni President Rodrigo Duterte sa China ay may negatibong implikasyon ayon sa officer.

“It’s going to be a long-term disaster for us,” ayon sa kanya.

“We’re dead. They [will] now have access to our telecom infrastructure,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa dating intel officer, nanggaling sa China ang pinakamalaking cybersecurity threat sa Pilipinas.

Nagbabala rin si dating Pangulong Benigno Aquino III na maaaring maapektuhan ang national security ng bansa sakaling pumasok ang isang Chinese company sa telecom industry.

Ayon kay Aquino, hindi pinayagan ng mga bansang katulad ng United States at Australia ang mga Chinese companies na pumasok sa telecom at technology industries dahil sa national security.

3rd Player

Pinangalanan ni PCOO Secretary Martin Andanar ang China Telecom bilang ikatlong telecom player sa bansa.

Ang pangangailangan ng bagong telecom company ay bunsod ng duopoly sa industriya ng PLDT Inc. at Globe Telecom.

“The Chinese government has selected a company that will invest in the telco (industry) of our country. It is China Telecom, the largest telecommunications company in China,” ani Andanar.

Ang China Telecom ay isa sa mga kumpanyang pinapatakbo ng state-run China Telecommunications Corporation.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top