Ex-NDRRMC chief Alex Pama: Aquino admin, pinondohan ang bagong operations center | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ex-NDRRMC chief Alex Pama: Aquino admin, pinondohan ang bagong operations center

Scandalous Government

Ex-NDRRMC chief Alex Pama: Aquino admin, pinondohan ang bagong operations center

Nilinaw ng dating Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na si Retired Philippine Navy Vice Admiral Alexander Pama na gumastos ang Aquino administration para maipatayo ang state-of-the-art operations center ng NDRRMC.

Matatandaang ipinagmayabang ng mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte na walang ginastos ang gobyerno sa bagong NDRRMC operations center na ginamit kamakailan lang ng Pangulo para sa paghahanda sa Bagyong Ompong.

“This NDRRMC Operations Center building was built with Government funds contrary to the claim in this article that no government money was spent for this center,” ani Pama,

Ayon kay Pama, naglaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P60 milyon mula sa 2015 budget para sa pagpapatayo ng gusali.

“The DPWH provided 60 million pesos from its 2015 budget to build this. I should know as it was during my tenure as the OCD Administrator when this was designed and built,” ani Pama.

Ang katuwang ng gobyerno sa pagpapatayo ng OpCen, ang SMS Global Technologies Inc., ang nagbigay ng mga equipment na ginagamit ng ahensiya.

“It was finished during USec Jalad’s time as OCD administrator and the furnitures and equipment were provided by OCD and SMSGT. Fact check please!” ani Pama.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top