Foreign journalist nirereklamo ang panggigipit sa media sa ASEAN 2017 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Foreign journalist nirereklamo ang panggigipit sa media sa ASEAN 2017

Scandalous Government

Foreign journalist nirereklamo ang panggigipit sa media sa ASEAN 2017

Pinasaringan ng isang journalist mula sa Agence France-Press (AFP) ang limitadong media access sa mga aktibidad kaugnay ng ASEAN 2017 dito sa Pilipinas.

Ayon kay Jerome Taylor, mas may access pa sila noong isinagawa ang ASEAN related activities at meetings sa Laos noong nakaraang taon.

“It’s a shame to see press access to FMs at severely curtailed in Manila this year. We had far more access in Laos last year. Laos,” ayon sa tweet ni Taylor.

Inirereklamo rin ni Taylor ang pagbabawal sa accredited media na makalapit sa mga venue kung saan idinadaos ang mga pagpupulong kaugnay ng ASEAN.

Malayo rin ang itinayong International Media Center sa Convention Center kung saan idinadaos ang mga meetings.

Dagdag pa ni Taylor, kahit isang isolationist at autocratic ang bansang Laos, naging maluwag ito para sa mga journalists na binabantayan ang mga pangyayari sa ASEAN.

“But it sends out a message that Philippines doesn’t want press, and therefore the public, to be privy to what’s really happening… That’s a shame as the Philippines has long been one of ‘s most free and open countries when it comes to press access,” ani Taylor.

Nainis umano ang Russian Minister for Foreign Affairs ng mabalitaan na hinarang ng mga ASEAN 2017 organizers ang grupo ng mga Russian journalists na nais lamang mai-cover ang bilateral meeting sa pagitan ng Russia at Pilipinas.

At bilang pa-consuelo sa limitadong media access, nagsagawa na lamang ang mga organizers ng “pop concert” para sa mga mamamahayag.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top