FVR: Martial Law ni Duterte lalong makakasama sa Pilipinas | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

FVR: Martial Law ni Duterte lalong makakasama sa Pilipinas

Scandalous Government

FVR: Martial Law ni Duterte lalong makakasama sa Pilipinas

Mas masama pa umano kesa sa nangyari sa diktadurya ni Ferdinand Marcos ang deklarasyon ng martial law ni President Rodrigo Duterte, ayon kay dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Idiniin ng dating Pangulo ang mga kaso ng extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte bilang halimbawa ng pang-aabuso kahit hindi pa nasa ilalim ng batas militar ang Pilipinas. Idinagdag pa ni Ramos na makakasama rin ito sa ekonomiya ng bansa.

Tinanong ng media si Ramos tungkol sa plano ni Duterte na palawakin pa ang sakop ng martial law at gawin ito sa buong bansa.

“My answer to you is, you stay here for two weeks, and I will describe to you what happened during martial law. Because the martial law that is bound to happen could be more harmful,” ani Ramos.

Iminungkahi ni Ramos sa pamahalaan na lalo pang bigyang pagpapahalaga at protektahan ang karapatang pantao.

“Our government must take strong measures without abusing human rights out there, to limit the violence, without any violation of human rights, ika nga nila. Let’s see. Tingnan natin kung mangyayari ‘yan. Dahil sa wala pang martial law eh katakot-takot na ang human rights violations.” ani Ramos.

Ipinunto rin ng dating Pangulo na maaaring madiskaril ang ekonomiya ng bansa dahilan ng pagpapatupad ng martial law, lalo na’t kabi-kabilang mga proyekto ni Duterte na pinondohan ng pangungutang mula sa ibang mga bansa.

“It’s more harmful now because we have the ‘Build, Build, Build,’ we have the easy loans from Russia, and then we have the promises of our rich people to support the government’s program, and we have a budget of P3.3 trillion ($66.17 billion). All of that is in danger of not being done at all if this thing spreads throughout the country and for a longer time,” pahayag ni Ramos.

Mungkahi pa ni Ramos sa pamahalaan, bawasan ang mga lugar na nasa ilalim ng batas militar at tapusin ito ng mas maaga.

Dagdag pa niya, tayong lahat ay biktima ng batas militar.

“We would be much higher now in the ranking of nations, in the appreciation of other nations about the Philippines, if we did not have martial law. As a military man, pagmasdan mo ang lalim ng sinasabi ko,” ani Ramos.

“Do not tell me that any of you will enjoy martial law,” dagdag pa ni Ramos.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top