Galawang takot: Duterte, inialis ang Pilipinas sa jurisdiction ng ICC | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Galawang takot: Duterte, inialis ang Pilipinas sa jurisdiction ng ICC

Scandalous Government

Galawang takot: Duterte, inialis ang Pilipinas sa jurisdiction ng ICC

Saan aabot ang takot mong makulong?

Idineklara ni President Rodrigo Duterte ang withdrawal ng Pilipinas sa Rome Statute, ang treaty na bumuo sa International Criminal Court (ICC).

“I therefore declare and forthwith give notice, as the President of the Republic of the Philippines, that the Philippines is withdrawing its ratification of the Rome Statute effective immediately,” ani Duterte.

Iginiit ni Duterte na walang basehan ang umano’y outrageous attacks laban sa kanya.

“[The] baseless, unprecedented and outrageous attacks on my person as against my administration, engineered by the officials of the United Nations, as well as the attempt by the [ICC] special prosecutor to place my person within the jurisdiction of the [ICC],” ani Duterte.

Matatandaang kinumpirma ng ICC, sa pangunguna ng prosecutor nito na si Fatou Bensouda, na sinimulan na niya ang preliminary examination sa kasong isinampa laban kina Duterte at sa kanyang mga opisyal hinggil sa Davao Death Squad (DDS) at extrajudicial killings ngayong Pangulo na siya.

Matapos kumpirmahin ito ng ICC, sunud-sunod na atake ang pinakawalan ni Duterte laban sa kanila.

“You cannot acquire jurisdiction over me not in a million years kaya ‘di ko sinasagot. Totoo ‘yan. Ayoko sabihin that has always been my weapon ever since. Sh*t. Maniwala ka diyan,” ani Duterte.

Dahil dito, kabilang na ang Pilipinas sa mga bansang umalis sa ICC. Naunang magpahayag ang sumusunod na mga bansa ng kanilang pag-withdraw mula sa statute dahil rin sa pending investigation sa korte: Burundi, Gambia, at South Africa.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top