Gloria Arroyo, nagpasok ng P2.4 bilyon para sa kanyang distrito sa 2019 budget | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Gloria Arroyo, nagpasok ng P2.4 bilyon para sa kanyang distrito sa 2019 budget

Scandalous Government

Gloria Arroyo, nagpasok ng P2.4 bilyon para sa kanyang distrito sa 2019 budget

Makati pa rin ang mga kamay

Umabot sa mahigit P2.4 bilyon ang inilaan ni House Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para sa mga proyekto sa kanyang distrito.

Ito ay ayon sa report na inilabas ni Senator Ping Lacson kung saan ibinunyag niya na ang isang congresswoman na may sakop ng Lubao at Porac sa Pampanga ay nagpasok ng daan-daang milyong pisong ‘pork barrel’ sa 2019 national budget.

Si Arroyo ang kumakatawan para sa Lubao at Porac.

Sa second reading ng 2019 national budget, nagpasok ng P 726,710,000 halaga ng proyekto si Arroyo. Nadagdagan pa ito ng P 1,698,109,000 pagdating sa third and final reading sa Kongreso.

P 500 milyon mula dito ay inilaan ni Arroyo para sa mga farm-to-market road sa Lubao, Floridablanca, at Porac.

Ayon kay Lacson, karamihan sa mga proyektong ito ay hindi ikinonsulta ng goberyno kung kaya malaki ang posibilidad na may ‘grave abuse of discretion’ sa pagpasok ng mga ito sa national budget.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top