Hearings tungkol kay De Lima, mas madami kumpara sa mga batas na naipasa ng Kongreso | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Hearings tungkol kay De Lima, mas madami kumpara sa mga batas na naipasa ng Kongreso

Scandalous Government

Hearings tungkol kay De Lima, mas madami kumpara sa mga batas na naipasa ng Kongreso

Apat lang ang mga batas na naipasa ng 17th Congress sa First Regular Session nito kahit karamihan sa mga mambabatas ay kaalyado ng administrasyon.

Kasalukuyang pinamumunuan nina Senate President Koko Pimentel at Speaker Pantaleon Alvarez, mgakapartido ni President Rodrigo Duterte sa PDP-Laban, ang 17th Congress.

Ang apat na batas na naipasa ng Kongreso ni Duterte ay ang mga sumusunod:

  • RA 10923 – Postponement of the 2016 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections
  • RA 10924 – General Appropriations Act of 2017 or the 2017 national budget
  • RA 10925 – Franchise renewal of GMA Network
  • RA 10926 – Franchise renewal of Smart Communications

Sa unang taon ng 17th Congress, nagkaroon naman ng walong pagdinig ukol sa drug proliferation sa bansa na ang idinidiin ay si Senator Leila de Lima. Lumalabas na mas masigasig ang trabaho ng mga mambabatas pagdating sa ganitong klase na hearing kumpara sa paggawa at pagpasa ng mga batas.

Lumalabas rin na mas masigasig pa ang unang Kongreso ni dating Pangulong Benigno Aquino III kumpara sa Kongreso ni Duterte. Walo ang naipasang batas ng 15th Congress sa unang regular session nito.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top