Ina ng pinatay na 15-anyos sa Caloocan: Palibhasa Bato ang pangalan mo, bato rin ang puso mo! | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ina ng pinatay na 15-anyos sa Caloocan: Palibhasa Bato ang pangalan mo, bato rin ang puso mo!

Scandalous Government

Ina ng pinatay na 15-anyos sa Caloocan: Palibhasa Bato ang pangalan mo, bato rin ang puso mo!

May mensahe ang ina ng pinatay na 15-anyos na si Angelito Soriano kina PNP chief Ronald dela Rosa at President Rodrigo Duterte.

Si Angelito ay isa sa pitong indibidwal na pinatay sa Bagong Silang, Caloocan City noong December 28, 2016.

Ang kanyang ina na si Emily ay bumwelta sa pakiusap ni Dela Rosa na mag-move on na lang ang mga kaanak ng mga napaslang sa kampanya kontra illegal na droga ng administrasyon.

“Kung ikaw natutuwa kang mamatayan, kami hindi. Hindi kami ganung tao na manhid. May puso’t damdamin kami. Kaya dapat ikaw itigil mo na ginagawa mong patayan. Napasakit para sa amin na mawalan ng mahal sa buhay,” ani Emily.

“Ngayon po isang taon na po yung anak namin, ganun-ganun na lang po ba? Sasabihin niyo mag-move on? Hindi po namin kaya yun. Ikaw rin Bato, palibhasa Bato ang pangalan mo, bato rin ang puso mo! Kaya hindi mo nararamdaman yung nararamdaman namin,” dagdag pa ni Emily.

Iginiit ni Emily na hindi adik ang kanyang anak, pati na rin ang mga kasama nito noong araw na pinaslang sila.

“Hindi mga adik ang mga anak namin para patayin niyo ng ganun-ganun na lang. Para biglaan niyo na lang pagbabarilin sa bahay na yan,” ani Emily.

Ayon kay Emily, patuloy silang maghihintay sa katarungan.

“May awa ang Diyos, kahit matagal maghihintay kami. Basta mabigyan ng katarungan ng ginawa ng mga taong-pulis, ng mga inutusan mo, Presidente Duterte! Sana naririnig mo mga sinasabi ko,” ani Emily.

“Tapos sasabihin niyo mag-move on kami? Hindi namin kayang tanggapin yung sinasabi mo. Hindi ikaw ang nawalan. Iyak-iyak ka pa sa TV, naaawa ka sa mga ginawa ng kapulisan mo. Pero sa mga pinapatay ninyo, naawa ba kayo? Wala kayong awa! Ulo-ulo!” dagdag pa ni Emily.

 

Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top