Study: Income ng mga mahihirap na Pilipino, lalong mababawasan sa Duterte tax plan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Study: Income ng mga mahihirap na Pilipino, lalong mababawasan sa Duterte tax plan

Scandalous Government

Study: Income ng mga mahihirap na Pilipino, lalong mababawasan sa Duterte tax plan

Labis na maaapektuhan ng panukalang tax reform ng adminsitrasyon ni President Rodrigo Duterte ang kita ng mahigit 60 milyong Pilipino.

Ito ay ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng IBON Foundation.

Ayon kay IBON Foundation executive director Sonny Africa, mas malaki ang ikakaltas ng pamahalaan sa mga mahihirap at middle-class, kumpara sa mga mayayaman.

“The poorest 60% will pay Php32.9 billion in additional taxes next year which is 1.6% of their combined family income of some Php2.0 trillion. “The highest income 40% on the other hand will pay just Php14.7 billion which is only 0.4% of their total family income of some Php4.1 trillion,” ayon kay Africa.

“In effect, the highest income 40% who have twice as much income as the poorest 60% of Filipinos will be paying less than half as much in additional taxes. Measured as a share of their total income, the poorest 60% will pay four times as much as the highest income 40% including the richest Filipinos,” dagdag pa ni Africa.

Halos P140.1 bilyon naman ang makukuha ng mga mayayaman dahil sa mas mababang personal income. Ang mga mahihirap, hindi mararamdaman ang pagbaba ng buwis dahil tinapatan ito ng mga bagong buwis katulad ng VAT, petroleum at sweetened beverages taxes.

Base sa datos mula sa Department of Finance, ang isang Pilipino na kumikita ng higit sa P5,000 kada buwan ay mababawasan ng P807 kada taon. Habang ang kumikita ng higit sa P19,000 ay mawawalan ng P3,800 kada taon.

Data from Department of Finance. Screenshot from UNTV News

Ayon pa kay Africa, kahit may paconsuelong P2,400 cash transfer ang DOF sa mga mahihirap ay hindi naman ito tatalab sapagkat hindi na ito ipatutupad matapos ang taong 2018.

Nagbabala ang ilang mga negosyante na kapag itinuloy ang pagbubuwis sa mga produktong petrolyo at sweetened beverages ay asahan na mas tataas pa ang halaga ng mga ibinebentang produkto at serbisyo sa mga tao.

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top