Inflation rate, pumalo sa 3.4% ngayong Setyembre | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Inflation rate, pumalo sa 3.4% ngayong Setyembre

Scandalous Government

Inflation rate, pumalo sa 3.4% ngayong Setyembre

Naitala sa 3.4% ang inflation rate ngayong Setyembre ayon sa datos ng pamahalaan.

Ang inflation rate ay ang panukat sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Naungusan ng actual inflation data ang forecast ng mga ekonomista na tinanong ng Reuters, kung saan 3.2% ang kanilang pagtaya sa inflation rate.

Ayon sa mga ekonomista, inaasahan na nilang tataas ang inflation rate dahil sa mataas na singil sa kuryente at transportasyon.

Nasa 2.8 hanggang 3.6% naman ang pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas ukol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Matatandaang naitala na noong Marso at Abril ang 3.4% inflation rate.

Top concern

Sa isinagawang Pulse Asia survey ukol sa National Urgent Concerns, isa sa mga nangunang concern ng mga Pilipino ay ang pagkontrol sa inflation na nasa 41% noong Marso.

Ito ay mas mataas kumpara sa naitalang 34% noong December 2016.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top