Mas mahal ni Duterte ang China: Investments ng Japan sa Pilipinas, bumagsak ng 57% | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mas mahal ni Duterte ang China: Investments ng Japan sa Pilipinas, bumagsak ng 57%

Scandalous Government

Mas mahal ni Duterte ang China: Investments ng Japan sa Pilipinas, bumagsak ng 57%

Dahil prayoridad ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte ang China at Russia, bumagsak ang mga investments galing sa bansang Japan.

Ayon sa datos ng Japan External Trade Organization (JETRO), $561 million ang naitalang outward foreign direct investment ng Japan sa Pilipinas sa unang limang buwan ng 2017, o 56.6% mas mababa kumpara noong 2016.

Noong 2016, nagtala ng 52.1% surge ang FDI ng Japan sa Pilipinas na nagkakahalaga ng $2.31 billion, at $1.52 billion naman noong 2015.

Ayon sa source ng Philippine Star , nakaapekto sa pagbagsak ng mga investments galing Japan ang pagkiling ng administrasyong Duterte sa China at Russia.

Nakadagdag rin sa problema ang umano’y pangamba ng mga Japanese investors sa pagbabago ng polisiya sa mga incentives na ibinibigay sa mga nasa economic zones.

Ang mga Japanese companies ay isa sa mga malalaking investors na nakahimpil sa mga economic zones sa Pilipinas.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top