Jinggoy Estrada handang tumanggap ng gov't position sakaling alukin ni Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Jinggoy Estrada handang tumanggap ng gov’t position sakaling alukin ni Duterte

Scandalous Government

Jinggoy Estrada handang tumanggap ng gov’t position sakaling alukin ni Duterte

Handa umano ang dating Senador at akusado sa Pork Barrel Scam na si Jinggoy Estrada na tumanggap ng posisyon sa administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Ayon sa report ng GMA News, handa si Estrada na tanggapin ang anumang posisyon sa gobyerno kung sakaling alukin siya ni Duterte.

“I’m willing, why not? Alam mo kasi si Presidente Duterte. Matagal ko nang kilala si Pangulong Duterte. He really has a heart for the poor. Totoong tao, hindi plastic,” ani Estrada.

Nakapagpiyansa si Estrada sa halagang P1.3 milyon para sa kasong plunder at graft matapos sang-ayunan ng Sandiganbayan ang kanyang petisyon for bail.

Matatandaang kinasuhan si Estrada ng plunder at graft dahil sa umano’y pagbulsa ng mahigit P180 milyong kickback mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) projects.

Kasama niyang nakulong sa PNP Custodial Center sa kaparehong kaso sina dating senador Juan Ponce Enrile at Bong Revilla.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top