Judge na 'di sang-ayon sa quo warranto vs Sereno, sinuspinde ng Supreme Court | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Judge na ‘di sang-ayon sa quo warranto vs Sereno, sinuspinde ng Supreme Court

Scandalous Government

Judge na ‘di sang-ayon sa quo warranto vs Sereno, sinuspinde ng Supreme Court

Truth hurts

Sinuspinde ng Korte Suprema si Pangasinan municipal trial court Judge Gerely Rico Cruz matapos mag-post sa kanyang Facebook ng ‘di pag-sang ayon sa quo warranto decision laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Tatlong buwang preventive suspension ang ipinataw ng SC kay Cruz at posibleng parusahan pa dahil sa umano’y paglabag nito sa Code of Judicial Conduct at Code of Professional Responsibility. Nagsimula ang suspensyon ni Cruz noong October 12, 2018, at magtatapos ito sa January 10, 2019.

Ayon sa Facebook post ni Cruz, sinabi nito na nawalan na ng kredibilidad ang buong hudikatura dahil sa desisyon hinggil sa quo warranto.

“Yaman rin lang wala ng Rule of Law at pinatay na ang Judicial Independence, isara na rin natin ang mga korte! Wala na kaming silbi nyan! How can people trust us now? We’ve lost all credibility!” ani Cruz.

Dagdag pa ni Cruz, nasayang lang ang mga ginastos niya upang mag-aral ng law dahil dito.

“Paano ba magpa-refund ng tuition saka mga nagastos ko sa libro nung nag-aaral ako ng law? T*** ina! Nasayang lahat ng panahon at pera ko sa pag-aaral ng law eh eto lang pala ang mapapala natin!” ani Cruz.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top