Kahit nangakong tatapusin ang 'Endo': DOLE mayroong 686 contractual workers | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Kahit nangakong tatapusin ang ‘Endo’: DOLE mayroong 686 contractual workers

Scandalous Government

Kahit nangakong tatapusin ang ‘Endo’: DOLE mayroong 686 contractual workers

Sa kabila ng pangako ni President Rodrigo Duterte na tapusin ang contractualization sa bansa, ang mismong pangunahing ahensiya na tagapagtupad ng pangako nito ay mayroong contractual workers.

Mula sa 6,300 personnel ng DOLE, 686 o halos 10% ng kabuuang workforce nito ay contractual o job order employees.

Kinompronta ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio si Secretary Silvestre Bello III tungkol dito.

“Yun ang problema. Kayo ang pangunahing ahensiya na nag-i-implement sa pribadong sektor tungkol sa contractualization, pero kayo mismo ay may mga job order,” ayon kay Tinio.

Ayon naman kay Bello, kulang na pondo ang sanhi ng pagkakaroon ng contractual employees sa ahensiya.

“Kung pwede lang sana. But we are aware of the budgetary constraints. It’s not easy to create plantilla positions,” ayon kay Bello.

Sa kabila ng pahayag ni Duterte na tapusin ang lahat ng uri ng contractualization, sinabi ni Bello na imposibleng gawin ito.

“Logic will dictate that you have to outsource it if you can’t have regular employees. Talagang mahirap yung absolute,” ani Bello.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top