Kamara, ibabalik na ang orihinal na P678 milyong budget ng CHR sa 2018 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Kamara, ibabalik na ang orihinal na P678 milyong budget ng CHR sa 2018

Scandalous Government

Kamara, ibabalik na ang orihinal na P678 milyong budget ng CHR sa 2018

Ibabalik na ng House of Representatives ang orihinal na panukalang budget ng Commission on Human Rights (CHR) na P678 million para sa fiscal year 2018.

Kasunod ito ng naging dayalogo sa pagitan nila House Speaker Pantaleon Alvarez at CHR Chairperson Chito Gascon.

Ayon kay Davao City Rep. Karlo Nograles, ang House Commission on Appropriations chair, binigyan na umano ang kanyang komite ng green light upang ibalik ang orihinal na proposed budget ng CHR.

“The Speaker basically told Chairman Gascon that we are not the enemy. The Duterte government is not the enemy. We are one with the CHR in the fight against all forms of human rights violation but they must start looking also at the violations committed by criminals and insurgents,” ayon kay Nograles.

Ang orihinal na proposed CHR budget ay posibleng nakapaloob na sa final version ng 2018 General Appropriations Act bill na isasalang sa third reading sa Kongreso.

Matatandaang binigyan ng Kamara ang CHR ng P1,000 budget sa botong 119-33 na ikinadismaya ng publiko.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top