Korte Suprema, inabswelto si Marcos; tuluyang pinatalsik si Sereno | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Korte Suprema, inabswelto si Marcos; tuluyang pinatalsik si Sereno

Marcos Pa Rin - mga ulol

Korte Suprema, inabswelto si Marcos; tuluyang pinatalsik si Sereno

Quotang-quota na ang Supreme Court sa araw na ito matapos ibasura ang kasong ill gotten wealth laban sa diktador na si Ferdinand Marcos at mga kapwa-akusado nito, at nang pagtibayin ang quo warranto petition laban naman kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Marcos Ill-gotten wealth

Ibinasura ng SC First Division na pinamumunuan ni Associate Justice Noel Tijam ang mahigit P51 billion pesos ill-gotten wealth case na isinampa ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) laban kay Marcos at sa cronies nito sa Sandiganbayan.

Sinusugan ng SC ang naunang desisyon ng Sandiganbayan na nagbabasura sa complaint dahil umano’y kulang ang inihaing ebidensya ng PCGG laban kina Marcos.

Ang kaso ay inihain ng PCGG sa Sandiganbayan halos 31 taon na ang nakalipas.

Inakusahan ng PCGG sina Marcos na gumamit ng iba’t ibang uri ng “schemes, devices, and stratagems” para pagnakawan ang bayan.

It’s final: Sereno, tanggal bilang CJ

Sa botong 8-6, pinagtibay ng SC ang naunang desisyon nito na pumapabor sa inihaing quo warranto petition laban kay Sereno.

Ibinasura ng SC ang motion to reconsideration (MR) na inihain ng kampo ni Sereno para baligtarin ang pagkakatanggal sa kanya.

Ayon sa abogado ni Sereno na si Jojo Lacanilao, hindi na sila nagulat pa sa desisyon ng Korte habang iginiit na hindi ito tama.

“We were not surprised by the final result of the SC decision but we remain convinced that the decision is unjust and will be questioned by the people for a long time to come,” ani Lacanilao.

Ayon pa kay Lacanilao, handa na si Sereno sa bagong kabanata ng kanyang laban at nanindigang hindi siya titiklop.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top