Krisis sa PTV-4: Mass firing, palakasan system | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Krisis sa PTV-4: Mass firing, palakasan system

Scandalous Government

Krisis sa PTV-4: Mass firing, palakasan system

Hindi na masikmura ng mga nagtatrabaho at dating nagtrabaho sa People’s Television (PTV), ang state-run TV channel, ang nangyayaring mismanagement sa organisasyon.

Usap-usapan sa social media ang pagsibak ng PTV management kay Kathy San Gabriel, kilalang TV broadcaster at naging mukha ng istasyon sa higit isang dekada.

Ayon kay Kirby Cristobal, dating PTV anchor, pareho sila ni San Gabriel na biktima ng “palakasan system” sa organisasyon.

“Sana ito ang malaman ng mga kababayan natin.. ng mga opisyal na walang alam sa mga nangyayari sa PTV… Marami na ang umalis at inalis na tapat sa serbisyo pero wala pating aksyon,” ayon kay Cristobal.

Nalaman lamang ni San Gabriel ang pagsibak sa kanya sa trabaho ng ipatawag siya ng management dalawang araw na ang nakalipas, at ngayong June 30 sana ang huli niyang newscast.

Subalit sa isang text message, hindi na matutuloy ang huli niyang newscast ngayong araw dahil nagdesisyon ang management na huwag na siyang papasukin. Ang nangyaring public backlash sa pagsibak kay San Gabriel ang naging rason nila.

“No words. I was informed by PTV management two days ago that today will be my last day at work. Kahit malungkot, tinanggap ko ang naging desisyon ng pamunuan ng network. Mamayang gabi sana ang huli kong newscast. Bagamat alam kong magiging emosyonal, gusto ko sanang kunin ang pagkakataong iyon para magpasalamat sa inyo sa pagsubaybay sa mahigit isang dekada kong pagbabalita sa PTV. Ngunit ikinalulungkot kong hindi ko magagawa iyon. Nagdesisyon po ang pamunuan ng People’s Television na huwag akong papasukin mamayang gabi. I was not given the dignity of a goodbye,” ayon kay San Gabriel.

Biktima rin ng mga pangyayari sa PTV ang kilalang historian at TV personality na si Michael “Xiao” Chua.

Ayon kay Chua, noong Abril lang nagsimula ang mass firing sa mga empleyado ng istasyon.

“This mass sibakan in the public broadcasting network that started last April is such a public scandal that is worthy of attention even by the major networks. Tinitira niyo sila sa maliit na mga isyu, ito ang isyu na dapat niyong natutukan,” ani Chua.

Si Van Ybiernas ay naging historical consultant ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO) para sa Official Gazette. At siya rin ay nasisante.

“Hindi nga nabayaran ang serbisyo ko. Hahahaha. (Kaya, hindi ako bayaran! Hahaha). Hindi ko na hinahabol yun. Tulong ko na sa gobyernong Duterte. Hindi naman kailangan pumwesto para makatulong. Hahaha. Pero HINDI NA AKO BABALIK unless ang pangulo mismo ang magsabi (na di naman nya gagawin. Hahahaha). Huwag na po kayo makipagbalikan sa ex nyo na binitawan kayong walang kaabog-abog! Hahahaha. Kaya’t pakiusap po, tigilan na ako sa “dapat po sumama kayo sa pamahalaan”. Hahahaha. Parehas kami ni Xiao Chua na sisante ng pamahalaang ito. Hahahaha,” ayon kay Ybiernas.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top