Lalaking bibili lang ng noodles, hinuli ng mga pulis; bangkay na nang matagpuan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Lalaking bibili lang ng noodles, hinuli ng mga pulis; bangkay na nang matagpuan

Scandalous Government

Lalaking bibili lang ng noodles, hinuli ng mga pulis; bangkay na nang matagpuan

Bangkay na nang matagpuan ng isang ina ang kanyang anak na dapat ay bibili lamang ng noodles sa tindahan sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Noong maghahatinggabi ng June 19, inutusan ni Rosalina Cabas ang anak nitong si Catalino alias “Nonong” na bumili ng noodles at sigarilyo sa tindahan.

Noong sumunod na araw, ayon kay Rosalina, may nagsabi sa kanya na dinampot umano ng mga pulis si Nonong sa operasyon laban sa mga tambay.

Hinanap ni Rosalina sa presinto ngunit hindi niya ito natagpuan. Sa punerarya na niya lang nakita si Nonong.

Kwento naman ng mga pulis, nanlaban umano si Nonong sa isinagawa nilang drug buy-bust operation kung kaya napatay nila ito.

Tugma ang suot ni Nonong noong mapatay siya ng mga pulis sa suot nito noong inutusan ni Rosalina.

“Sana pag nag-ano sila, manghuhuli, kulong na lang nila, huwag na lang nila patayin,” ani Rosalina.

“Dahil yung pinapatay nila, wala namang kaso yan eh. Kung pumatay sila, parang lamok na lang na tinitiris, wala na silang pakialam,” dagdag pa ni Rosalina.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top