Lalaking walang damit-pantaas 'nanlaban', patay; witness, tinabla ang akusasyon ng mga pulis | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Lalaking walang damit-pantaas ‘nanlaban’, patay; witness, tinabla ang akusasyon ng mga pulis

Scandalous Government

Lalaking walang damit-pantaas ‘nanlaban’, patay; witness, tinabla ang akusasyon ng mga pulis

Pinatay ng mga pulis ang isang lalaking walang suot na damit-pantaas matapos umanong manlaban sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Mario Balagtas na taga-Barangay 178 sa area ng North Caloocan.

Ayon kay Caloocan Police Station 6 chief Inspector Hector Cajilles, hinuli nila si Balagtas dahil wala itong damit-pantaas habang ito ay nasa public area.

Tumakbo umano si Balagtas papunta sa kanilang bahay at kinandado ang pinto.

Dagdag pa ni Cajilles, nakipagpalitan ng mga putok ng baril si Balagtas sa mga pulis na ikinasawi nito.

Pinasawalang-katotohanan naman ng nakasaksi sa pangyayari ang naratibo ng mga pulis na umano’y nanlaban si Balagtas.

“Nagmamakaawa. Naghahagulgol. ‘Huwag po, huwag po, hindi po ako lalaban. Tama na po.’ Oh ayun na. Sunud-sunod na [ang putok ng baril]. Mamaya-maya, tumahimik na. Kaya sabi ko, wala na siguro. Kaya lumabas na ako,” salaysay ng witness.

Ayon sa pulisya, dati na nilang naaresto si Balagtas at kabilang ito sa kanilang drug watchlist.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top