Lawyer ng 'Pinas sa arbitration tribunal: Duterte feeling talunan pagdating sa China | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Lawyer ng ‘Pinas sa arbitration tribunal: Duterte feeling talunan pagdating sa China

Scandalous Government

Lawyer ng ‘Pinas sa arbitration tribunal: Duterte feeling talunan pagdating sa China

Dismayado si dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay, miyembro ng legal team ng Pilipinas sa Arbitration Tribunal, sa naging aksyon ng administrasyong Duterte pagdating sa China.

“The first anniversary of the tribunal’s award marks a year of disappointment after disappointment after our victory at The Hague,” ayon kay Hilbay.

“The current administration seems to have adopted a policy of defeatism and a mindset of non-enforcement of the award,” dagdag pa ni Hilbay.

Isang taon matapos ang arbitration victory: Pilipinas sunud-sunuran na

July 12, 2016. Ito ang araw kung kailan nagtagumpay ang laban ng Pilipinas kontra China sa usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea.

Ayon sa United Nations Arbitral Tribunal, ang Pilipinas ay mayroong exclusive sovereign rights sa pinagtatalunang teritoryo at illegal ang claim ng China na tinaguriang ‘nine-dash line’.

Ang pagkapanalo ng Pilipinas ay posibleng gamitin ng gobyerno sa pakikipag-usap sa China bilang ‘leverage’. Ito rin ay mahalagang instrumento para sa ASEAN upang manindigan laban sa Chinese aggression.

Umusbong ang kasong ito sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III, na kilala ang administrasyon sa pagtindig laban sa China.

Subalit kung ano ang itinindig ni Aquino laban sa China, siyang kabaliktaran naman ang kay President Rodrigo Duterte na tinaguriang “tuta ng China”.

Higit isang taon na ang nakalipas at naka-ilang meetings na ni Duterte sa gobyerno ng China, hindi man lang nagamit ang arbitration ruling sa mga naging pag-uusap sa pagitan ng dalawang bansa.

Noong huling presidential debate, ipinagmayabang ni Duterte na pupunta umano siya sa pinag-aagawang teritoryo gamit ang jetski at doon ay itatanim ang watawat ng Pilipinas. Subalit higit isang taon na ang kanyang administrasyon, ni-minsan ay hindi pa siya nakakapunta sa Scarborough Shoal o kahit sa Kalayaan group of Islands.

Noong Abril lang, sinabi ni Duterte na pupunta siya sa Pag-asa Island sa Araw ng Kalayaan, isang isla na nasa West Philippine Sea. Ngunit katulad na lang ng kanyang jetski, hindi rin ito natuloy. 

Pati ang Philippine Rise na nasa silangan lang ng Luzon ay pinag-interesan rin ng China. 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top