LOOK: Draft Compromise Agreement sa pagitan ng Duterte gov't at Marcos Family | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

LOOK: Draft Compromise Agreement sa pagitan ng Duterte gov’t at Marcos Family

Scandalous Government

LOOK: Draft Compromise Agreement sa pagitan ng Duterte gov’t at Marcos Family

Isiniwalat ang draft ng Compromise Agreement sa pagitan ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte at ng Marcos Family.

Sa isang post ni Gang Badoy Capati, ang kapatid ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy, nakatanggap siya ng kopya ng agreement papers.

Makikita sa mga papeles na nirepresenta ni Atty. Oliver Lozano ang pamilya Marcos, habang si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang kumakatawan kay Duterte.

Ipinadala ni Lozano sa Malacañang ang mga papeles noong June 10, 2017, habang in-acknowledge naman ito ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo noong July 31.

Photo Courtesy: Gang Badoy Capati / Facebook

Idinahilan ni Lozano at ng mga Marcos ang kasalukuyang lagay ng pulitika, lipunan, at economic problems upang habulin ang agreement.

Tatlong options ang ibinigay ng pamilya Marcos kay Duterte kaugnay sa compromise agreement.

Photo Courtesy: Gang Badoy Capati / Facebook

  1. Compromise (Annex “A”) without Congressional imprimatur or approval for reasons stated therein, Basis: non-impairment of Contract Clause of the Constitution.
  2. Compromise with optional Congressional imprimatur. (Annex “B”) Basis: Inter-office comity, or
  3. Acceptance of Donation from the Marcos Family. Basis: Handwritten Legacy of Pres. Marcos dated April 9, 1973 “bequeating his earthly goods to the Marcos Foundation for the benefit of the people.” (Annex “C”)

Nais ng pamilya Marcos na makakuha ng shares sa mga kinuhang properties at wealth ng pamahalaan mula sa kanila at ibasura ang mga pending cases laban sa kanila.

Photo Courtesy: Gang Badoy Capati / Facebook

Isang draft House Bill naman ang inihanda ng pamilya Marcos kung sakaling dadaan sa legislative process ang compromise agreement sa pagitan nila at ng gobyerno.

Photo Courtesy: Gang Badoy Capati / Facebook

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top