LOOK: Duterte campaign staff, nakipagkita sa CEO ng Cambridge Analytica | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

LOOK: Duterte campaign staff, nakipagkita sa CEO ng Cambridge Analytica

Dutertrolls

LOOK: Duterte campaign staff, nakipagkita sa CEO ng Cambridge Analytica

Nakipaghalubilo ang campaign staff ng noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Alexander Nix, ang CEO ng Cambridge Analytica at Director ng parent company nito na Strategic Communications Laboratories (SCL) Group.

Makikita sa mga litrato na in-upload ni Peter Tiu Laviña, ang dating campaign spokesperson ni Duterte, na kasama nila si Nix noong pumunta ito sa bansa para sa isang forum noong May 2015.

Present rin sa event ang social media director ng Duterte campaign na si Pompee La Viña, at ngayo’y PCOO Undersecretary Joel Egco.

Photo Courtesy: Peter Tiu Laviña

Photo Courtesy: Peter Tiu Laviña

Photo Courtesy: Peter Tiu Laviña

Kamakailan lang ay ni-report ng veteran investigative journalist na si Raissa Robles na ang SCL Group ay tumulong sa presidential run ni Duterte sa pamamagitan ng pag-portray nito bilang crime fighter.

Itinanggi naman ni Laviña na tumanggap ng anumang tulong mula sa mga foreign firm ang Duterte campaign.

“We never had any foreign help during the campaign,” ani Laviña.

Cambridge Analytica

Sangkot ang Cambridge Analytica sa data harvesting scandal kung saan illegal na nakuha ng firm ang milyun-milyong Facebook information sa pamamagitan ng isang third party app.

Sa impormasyong inilabas ng Facebook, mahigit 1.1 milyong Facebook information mula sa Pilipinas ang illegal na nakuha ng Cambridge Analytica.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top