LOOK: EDSA tila naging parking lot dahil sa ASEAN lanes; mga mananakay, napilitang maglakad | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

LOOK: EDSA tila naging parking lot dahil sa ASEAN lanes; mga mananakay, napilitang maglakad

Scandalous Government

LOOK: EDSA tila naging parking lot dahil sa ASEAN lanes; mga mananakay, napilitang maglakad

Tumindi pa ang kalbaryo ng mga mananakay at motorista dahil sinimulan nang ipatupad ang traffic measures para sa idadaos na ASEAN Summit 2017 sa Maynila.

Dalawang lanes sa ilang bahagi ng EDSA ang inilaan para sa mga ASEAN delegates kung kaya siksikan ang mga motorista at bus sa natitirang lanes sa nasabing highway. Nagsasagawa rin ng “stop and go” scheme sa oras na may dumadaan na mga delegado.

Kung hindi dumoble ay naging triple pa sa karaniwan ang oras na itinatagal ngayon ng mga bumibiyahe sa EDSA dahil sa ASEAN lanes.

Ilang netizens ang nagbahagi ng mga larawan kung saan makikita ang kalbaryong hinaharap ngayon ng publiko na nasa EDSA.

May ilan namang nagbahagi ng galit at pagkainis dahil sa nararanasang bigat ng trapiko dulot ng ASEAN.

Ang nakakalungkot na sitwasyon ngayon ay napilitan ng maglakad ang ilang mga mananakay dahil hindi na gumagalaw ang mga sasakyan.

‘Anong klaseng gobyerno ‘to?!’

Matatandaang nainis ang noo’y presidential candidate na si Rodrigo Duterte dahil sa traffic at hassle na inabot ng publiko sa kasagsagan ng APEC Summit 2015.

“Kanino ako galit? Galit ako para sa inyo! Hindi naman para sa akin. Nakita ko kasi, sarhan mo yung EDSA, sarhan mo yung boulevard, sarhan mo yung airport, limang araw walang eroplano at diyan sa EDSA nakita ko, nagbababaan kayong lahat, naglalakad sa init at yung nanganak diyan sa tabi kasi hindi makapunta ng ospital. Putang-ina! Anong klaseng gobyerno ito?” ani Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top