LOOK: 'World-class' bike lane sa Quezon City, pinagpiyestahan ng mga netizens | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

LOOK: ‘World-class’ bike lane sa Quezon City, pinagpiyestahan ng mga netizens

Scandalous Government

LOOK: ‘World-class’ bike lane sa Quezon City, pinagpiyestahan ng mga netizens

#ProyektongHB

Viral ngayon sa Facebook ang post tungkol sa tinaguriang “world-class” na bike lane na matatagpuan sa Morato Avenue sa Quezon City.

Ang post ay galing kay Jim Meer Libiran na isang filmmaker at TV director.

Napansin ni Libiran ang mga food and refreshment establishments at maging mga puno na nakatayo sa mismong bike lane.

Basahin ang buong post ni Libiran:

“WORLD-CLASS BIKE LANE SA QC, PINALAKPAKAN

Talagang pambihira ang bagong mulit-milyong bike lane na ipinagawa sa Morato Avenue, Quezon City kaya pinalakpakan ito ng ilang residente.

Dapat daw umanong pasinayaan ito ni Mayor HB, sampu ng QC Officials at mga contractors ng proyekto.

Environmental at may refreshment areas ang bike lane. Inaanyayahan ang lahat ng bikers na mag enjoy sa proyektong ito.

“Pang world class ang bike lane,” ayon sa mga pumalakpak na residente — isang bulag, isang pipi at isang bingi.

#proyektongHB

#bikelane

#buwisnagingbuwisbuhay

#WorldclassAngQC”

Jim Meer Libiran: “May refreshment kiosks bawat kanto. Talagang mapapahinto kayo para kumain.” / Photo CTTO

Jim Meer Libiran: “Environmental pa ang bike lane dahil sa malalaking puno sa gitna nito.” / Photo CTTO

Jim Meer Libiran: “Bago ka pa magutom, hayan, kakain ka na ulit.” / Photo CTTO

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top