Malacañang, nagbantang aalisin ang Pilipinas sa International Criminal Court | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Malacañang, nagbantang aalisin ang Pilipinas sa International Criminal Court

Scandalous Government

Malacañang, nagbantang aalisin ang Pilipinas sa International Criminal Court

Nagbanta ang Malacañang na iwi-withdraw nito ang Pilipinas mula sa International Criminal Court (ICC) kung hindi gagalangin ang “principle of complementarity”.

Nangangahulugan ang nasabing prinsipyo na magkakaroon lamang ng jurisdiction ang ICC kung sakaling nabigo ang state party ng akusado na resolbahin ang krimen.

“Although the statement has not been finalized, my statement is we agreed to be a member of the ICC because of the principle of complementarity that the court will only exercise jurisdiction if our courts are unwilling or unable to exercise jurisdiction on any crime cognizable by the International Criminal Court,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Si Roque ang magrerepresenta sa Pilipinas sa isasagawang annual ICC Assembly of State Parties na siyang policy-making body ng korte.

“And to violate the principle of complementarity would be to violate the very basis of our consent to be bound by the Rome Statute and if this will happen, then there may be a possibility that the Philippines, like the three other African states, may withdraw from the Rome Statute of the ICC,” dagdag pa ni Roque.

Ang mga bansang Burundi, Gambia, at South Africa ay umalis sa ICC dahil umano sa pakikialam ng korte sa kanilang soberanya. Subalit idineklarang unconstitutional ang pag-withdraw ng South Africa sa korte.

Matatandaang kinasuhan ng crimes against humanity ni Atty. Jude Sabio, ang abogado ni dating Davao Death Squad (DDS) hitman Edgar Matobato, si President Rodrigo Duterte at 11 iba pang opisyal sa ICC nitong unang bahagi ng 2017.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top