Malacañang sa pagbagsak ng grado ni Duterte: Honeymoon period is over | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Malacañang sa pagbagsak ng grado ni Duterte: Honeymoon period is over

Duterte's Dilemma

Malacañang sa pagbagsak ng grado ni Duterte: Honeymoon period is over

Aminado ang Malacañang na tapos na ang honeymoon period para kay President Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos dumausdos ang net satisfaction at trust ratings ni Duterte noong Setyembre ayon sa Social Weather Stations.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, inaasahan na nila ang pagbagsak ng grado ni Duterte.

“Alam mo naman ang honeymoon period ng ating Pangulo ay usually one year sa isang opisina at ito nama’y expected, the fact na tapos na iyong one year, pero despite of this ay nasa good pa rin ang kanyang satisfaction at iyong public trust ay nasa very good,” ani Andanar.

Ikinumpara naman ni Andanar ang ratings ni Duterte kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Andanar, kumpara sa panahon ngayon ni Duterte, wala umanong oposisyon at hindi agresibo ang international media kay Aquino.

“Alam naman natin na wala talagang ganoong ka-aggressive na oposisyon during that time and we also have to consider that during the time of President Aquino na hindi rin ganoon ka aggressive iyong international media,” ani Andanar.

Killings

Para kay Chief Presidential Legal Counel Atty. Salvador Panelo, nakaapekto ang mga nangyaring pagpatay sa mga kabataan sa pagbagsak ng ratings ng Pangulo.

“I kinda expected that due to the incidents involving the minor, Kian, and two others. So there was really a reaction from certain sectors of the public,” ani Panelo.

Free fall

Sa September 23-27 survey ng SWS, nasa +48 na lamang ang net satisfaction rating ni Duterte, mula sa +66 noong June.

Naobserbahan ang pagdausdos ng ratings ni Duterte sa NCR, Luzon, at Visayas habang nananatiling mataas ito sa Mindanao.

Malaki rin ang pagbaba ng grado ni Duterte pagdating sa class “D” at “E” o ang mga tinuturing na masa.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top