Malasakit sa Kriminal: Duterte ipina-reinstate ang mga pulis na pumatay kay Espinosa | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Malasakit sa Kriminal: Duterte ipina-reinstate ang mga pulis na pumatay kay Espinosa

Scandalous Government

Malasakit sa Kriminal: Duterte ipina-reinstate ang mga pulis na pumatay kay Espinosa

Muling na-reinstate ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr., matapos ito ipag-utos ni President Rodrigo Duterte.

“Ngayon si Marcos suspended. Eh di suspended siya. Tapos na ang suspension. Sabi ko ibalik ninyo sa trabaho ang mama na iyan eh wala naman siya doon. Ang mama na iyan, eh, he wasn’t part of the raiding team,” ayon kay Duterte.

Suportado naman ni PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa ang plano ni Duterte na reinstatement sa mga pulis na nahaharap ngayon sa kasong homicide na ibinaba mula sa murder.

“Sayang. Walang ginagawa, sumusuweldo,” ayon kay dela Rosa.

Ang mga pulis na tinutukoy nila Duterte at dela Rosa ay ang grupo ni Supt. Marvin Marcos, kasama sina: Supt. Santi Noel Matira; Chief Insp. Leo Larraga; Senior Insp. Fritz Blanco; Senior Insp. Deogracias Diaz; Insp. Lucredito Candilosas; SPO4 Melvin Cayubit; PO3 Johnny Ibañez; SPO4 Juanito Duarte; PO1 Lloyd Ortigueza; PO1 Bhernard Orpilla; SPO2 Benjamin Dacallos; PO3 Norman Abellanosa; PO1 Jerlans Cabiyaan; PO1 Clixto Canillas Jr; SPO1 Mark Christian Cadilo; PO2 John Ruel Doculan; SPO2 Antonio Docil; at PO2 Jaime Dacsal.

Dati nang ipinangako ni Duterte ang pag-pardon kina Marcos sakaling hatulan sila ng guilty sa kanilang kaso, at ang pagbalik nila sa serbisyo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na iniutos ni Duterte ang pagbalik sa serbisyo ni Marcos. Noong nakaraang taon, ipina-reinstate ni Duterte si Marcos kahit nakita ang pangalan nito sa umano’y drug payroll ni Espinosa.

Lumabas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Senado na ‘premeditated’ o planado ang naging pagpatay kay Espinosa. Subalit, nanindigan naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na hindi planado ang insidente.

Bagong trabaho para kay Marcos

Matapos ma-reinstate sa serbisyo, in-appoint si Marcos na maging pinuno ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) Region 12 (SOCCSKSARGEN).

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top