Martial Law sa Mindanao, palpak; Duterte admin hindi pa rin masugpo ang "rebellion" | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Martial Law sa Mindanao, palpak; Duterte admin hindi pa rin masugpo ang “rebellion”

Scandalous Government

Martial Law sa Mindanao, palpak; Duterte admin hindi pa rin masugpo ang “rebellion”

Matapos ang 60 araw mula noong iprinoklama ang Martial Law sa buong Mindanao, aminado ang administrasyong Duterte na hindi pa rin nila masugpo ang Maute group at ang nangyayaring “rebellion” umano sa rehiyon.

“The existing rebellion in Mindanao has not been completely quelled,” ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Dagdag pa ni Medialdea, buo pa rin ang liderato ng Maute group, ang grupo ng mga teroristang naghasik ng lagim sa lungsod ng Marawi.

“Maute group’s leadership remains intact,” ani Medialdea.

Pinaasa ni Duterte

Apat na beses nangako ang gobyerno ni President Rodrigo Duterte na matatapos na ang karahasan sa Marawi City, sa loob ng 60 araw ng batas militar.

Noong June 4, sinabi ni Duterte na matatapos na ang gulo sa loob lamang ng tatlong araw. At maaaring matapos rin sa loob ng 24 oras sa pamamagitan ng pagbomba sa buong lungsod.

“This (Marawi siege) will be over in about three more days,” ayon kay Duterte.

“Alam mo, sa totoo lang, would it not because government is bound by rules and the values of civility, I can end this war (Marawi conflict) in 24 hours. Alam mo bombahan ko lang lahat ‘yan (I will just bomb them). I have 20 new jets,” dagdag pa ni Duterte.

Noong June 29, sinabi ni Duterte na “in the matter of days” ay matatapos na ang kaguluhan doon.

“The way it’s evolving now, I think it will be a matter of days. Before the end of the month, matatapos na,” ayon kay Duterte.

July 3, sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hangad ng pamahalaan na matapos ang kaguluhan doon bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

“Sana tapos na and that is one of the things that I have asked the commanders on the ground that if they could terminate the conflict there before the president goes on his SONA,” ayon kay Lorenzana.

July 15, ipinahayag naman ni Duterte na matatapos na ang gulo sa loob ng 10 hanggang 15 na araw.

“Gusto kong pumunta doon, ‘yung hindi naman ako maipasubo ng sundalo na really, basta ilayo lang ako nang kaunti, basta I want to be there while there is still fighting so that I can observe. Palagay ko, 10 to 15 days okay na,” ani Duterte.

Lumalalang bilang

Ang karahasan sa Marawi ay itinuturing na bilang pinakamalalang krisis mula noong nangyari ang Battle of Jolo noong 1974, kung saan halos 10,000 ang pinangangambahang patay, sugatan, at nawawala.

Pumalo na sa 629 ang death toll sa Marawi. 411 dito ay mga napatay na terorista; 97 ang mga sundalo; at 119 na sibilyan.

Halos 180,000 na mga sibilyan ang inilikas, habang 84,760 ay itinuturing na displaced dahil sa karahasan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top