MATAPOS SI KIAN: Ama ng isang netizen, bagong biktima ng drug war ni Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

MATAPOS SI KIAN: Ama ng isang netizen, bagong biktima ng drug war ni Duterte

Scandalous Government

MATAPOS SI KIAN: Ama ng isang netizen, bagong biktima ng drug war ni Duterte

Hindi pa tapos ang pagluluksa at galit ng bayan sa pagpatay ng mga pulis sa inosenteng si Kian Loyd de los Santos, subalit mayroon na namang nabiktimang inosente ang kampanya kontra illegal na droga ni President Rodrigo Duterte.

Viral sa Facebook ngayon ang mga post ni Edmar Lee Sing II, kung saan ibinahagi niya kung paano na-frame up ang kanyang ama ng kanilang Barangay Captain at ng mga pulis.

Ayon sa post ni Edmar, inanyayahan ng kapitan ang kanyang ama, na isang tanod, para sumama sa operasyon. Subalit ang kanyang ama ang target ng umano’y operasyon.

“Around 2-3pm tulog si Papa. Pumunta yung kapitan namin dito sa bahay hinahanap may operasyon daw sila. Isasama si Papa. Nauna si kapitan si Papa sumunod kase tiwala siya na may huhulihin lang(tanod si papa) Naglakad si Papa hanggang sa kanto isinakay siya sa Kotse which is kotse ng mga pulis  KUSANG sumama si Papa kase kilala niya. Alam naming pulis yung kausap ni papa kase yun palagi niyang sinasabi samin at tinatawag pa niyang Sir  30 minutes mga nakalipas may naririnig kaming ambulansya Papa ikaw pala yun sabi samin Binaril kana  Papa bakit? Umalis ka dala mo Cp at 20 pesos na hiningi mo kay ate pambili ng Yosi. Papa bakit may granada ka daw dala?  samantala umalis ka na halos walang dala. Papa bakit nanlaban ka daw? Ee bakit may senyales na naka posas ka? Bakit lapnos kaliwang kamay mo? Bakit puro gasgas kanang kamay mo papa?  sobrang sakit papa  bakit? Bakit bali bali yung mga daliri mo? Bakit namumugto yang mga mata mo? Daliri at mata na parang pinukpok ng baril o matigas na bagay  Papa bakit? Ang paalam mo kasama mo mga pulis at si kapitan na may huhulihin pero ikaw yung HINULI, PINATAY, TINORTURE AT TINANIMAN NG GRANADA, SHABU AT PERA  Papa, bakit? Bakit mo kami iniwan? Naiisip ko kung pano ka nagmakaawa para sa sarili mong buhay. Hindi na sila nakontento sa pagpapahirap sayo. Binaril pa pati ulo mo na sanhi ng pagkamatay mo. Papa, bakit? Wala kami magawa kundi umiyak. Kase wala kaming magawa para sa’yo. Papa paalam po  Napakabait mo sa lahat alam ng mga taga satin yan. Papa !! huhu  Naririnig ko si Mama umiiyak hindi ko kaya Pa !! NAMIMISS NA KITA NAMING LAHAT !!! PAALAM PAPA ! Pasensiya na kaming mapapala sa bulok na sistema  Wala kaming mahingan ng tulong para sa’yo kase sa walang aasahan sa ahensiya ng gobyerno  Nagsakit ti pinamay an yo kin Papa’K .
Ama ikaw po bahala pumatnubay at gumabay saming lingkod mo. Bahala ka pong hilumin ang sakit na nararamdaman ng pamilya ko. Ama, ipagpapanata ko po ito para sa hustisya ng Papa,” ang buong salaysay ni Edmar. 

Ipinagtataka rin ni Edmar kung bakit naging granada ang dala-dala ng kanyang ama dahil cellphone naman ang dala nito noong tinawag siya para sumama sa operasyon.

“Asan na yung Cellphone ng Papa ko? Bakit yung cellphone naging granada? Yung Yosi naging droga? Yung bente pesos na pera naging triple yung halaga?  mga hayop kayo !!!! Sakit ng ginawa niyo  bakit?” ani Edmar.

“Kailangan ko pa yakapin, tapik tapikin si Mama para lang makatulog Nanghihina ako sa tuwing umiiyak siya  Binigay niyo yung bangkay ng tatay ko na embalsamo na. Ayaw niyo ipasilip manlang. Yung kamay niya binalot ng plastik at benda kase sunog at durog durog yung daliri niya. Paano makakabunot at matatanggal yung sinasabi niyong granada kung halos durog yung kamay  Sinabi niyo drug buy bust? Pero kusang sumama yung tao sa inyo. Kase sabi niya may operasyon kayo. Bakit po? Yung mata niya bakit ganun mamang pulis? Parang umiyak o kaya parang pinukpok ng baril kase sobrang namamaga  Bakit? Huling ala-ala ng papa sakin ipinaghain ako ng breakfast. Siya naglagay ng kanin at ulam sa plato ko. Yung mga ganung bagay na gagawin namin bilang pamilya tinanggal niyo. Tinanggalan niyo kami ng karapatang mamuhay ng tahimik  Sana kinulong niyo nalang. Wala namang dala yan ee. Binulsa niyo yung granada ee. Hindi na kayo naawa. Mga walang Puso ! Hayop !” dagdag pa ni Edmar. 

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top