Mga katanungan ukol sa Marawi, martial law sa Mindanao | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mga katanungan ukol sa Marawi, martial law sa Mindanao

Duterte's Dilemma

Mga katanungan ukol sa Marawi, martial law sa Mindanao

Isang lehitimong law enforcement operation ang isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kasama ang Philippine National Police (PNP), sa Marawi City upang madakip si Isnilon Hapilon, ang lider ng Abu Sayyaf na napag-alamang nagpapagamot sa lugar na iyon.

Nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng grupo ni Hapilon, na pinalala pa ng iba pang mga local terror groups na nananahan sa lungsod, kasama na dito ang Maute group.

Dahil nahigitan ng pwersa ng mga terorista ang tropa ng militar at pulis, kumalat ang karahasan sa lungsod.

At dito nag-ugat ang pagdedeklara ni President Rodrigo Duterte ng batas militar sa buong Mindanao.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, at dahil na rin sa iba-ibang naratibo ng militar, mga residente at lokal na pamahalaan ng Marawi, at ng top security officials ni Duterte, natural lamang na magkaroon ng samu’t saring mga katanungan na dapat sagutin.

  1. Dahil itinuturing na high value target si Hapilon, alam ba ni Duterte ang isinagawang law enforcement operation laban sa lider ng Abu Sayyaf, mula sa pagpaplano hanggang execution ng operasyon?
  2. Noong December 2016, sinabi ni Duterte na nagbanta umano ang Maute group na susunugin at papasukin nila ang lungsod ng Marawi. At ngayon ay nagkatotoo nga ang bangungot. Minaliit ba ng pamahalaan ang bantang ito?
  3. Kasama ni Duterte sa kanyang official trip sa Russia ang top brass ng security sector, habang nakikipagbakbakan naman ang tropa ng pamahalaan sa Marawi. Sa mga sandaling ito, wala bang naging komunikasyon sa pagitan ng naiwang mga opisyal ng AFP at security officials sa Russia ukol sa nangyayari sa Marawi?
  4. Nang inanunsyo ang deklarasyon ng martial law ay natanong si Presidential Spokesperson Ernesto Abella kung ikinonsulta muna ni Duterte ang desisyon nito. Sinabi lamang ni Abella na ikinonsulta ito ni Duterte sa kanyang ‘advising group’. Sinu-sino ang mga taong nasa likod ng advising group ni Duterte? Kasama ba sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, NSA Hermogenes Esperon, PNP chief Ronald dela Rosa at AFP chief-of-staff Gen. Eduardo Ano sa grupong ito?
  5. Idiniin ng mga opisyal ni Duterte sa Russia habang inaanunsyo ang deklarasyon ng batas militar sa buong Mindanao, na kaya idineklara ito ay dahil sa mga naganap na karahasan katulad ng panununog ng mga establisyamento. Kasabay ng press conference na ito, may press briefing rin ang AFP at sinabing ‘stabilized’ na ang sitwasyon sa Marawi. Sa sandaling ito, disconnected ba ang AFP at ang top security officials ni Duterte?
  6. Sa patuloy ng paninindigan ng AFP na kontrolado nila ang nangyayari sa Marawi, bakit pa kinailangan na magdeklara ng batas militar?
  7. Ano ang hindi kayang gawin ng AFP kung walang deklarasyon ng batas militar?
  8. Idinidiin ng AFP at PNP na walang presensya ng Islamic State sa Pilipinas, subalit salungat ang sinasabi ni Duterte na dumating na ang ISIS sa bansa. Bakit hindi magkatugma ang inilalabas na pahayag ng AFP at PNP, at ni Duterte?
  9. Ang Office of the President ay mayroong  tig-P1.25 bilyong budget para sa confidential at intelligence funds. Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, ang mga pondong ito ay gagamitin para sa kampanya kontra illegal na droga at kriminalidad. Ni-isang kusing ba ng mga pondong ito ay napakinabangan ng AFP, o nagamit laban sa terorismo?
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top