Mga magulang ng public school students, pinipilit pumirma sa "anti-drug campaign" sheet | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mga magulang ng public school students, pinipilit pumirma sa “anti-drug campaign” sheet

Scandalous Government

Mga magulang ng public school students, pinipilit pumirma sa “anti-drug campaign” sheet

Isang netizen ang naalarma dahil sa pinapipirmahang mga papel sa mga magulang ng mga estudyante sa General Roxas Elementary School sa Quezon City.

Ayon kay Twitter user @nicadoom, ang umano’y signature campaign ay nais hingin ang suporta ng mga magulang para sa kampanya kontra illegal na droga ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Ang hindi daw pumirma sa papel ay ituturing na drug addict ayon sa isang guro.

“So there’s this sign up sheet na pinapapirmahan dito sa school. I refused to sign. Sabi ng isang Teacher, ang hindi daw pumirma, drug addict,” ani @nicadoom.

Sa pamamagitan ng Twitter, ipinagbigay-alam ito ni Nica sa Department of Education (Twitter: @DepEd_PH).

Ayon pa kay Nica, bukod sa signature campaign ay dadalo ang mga guro at ilang estudyante sa isang drug-free campaign seminar sa loob ng Camp Crame.

Mayroon pa umanong ipinalabas na video presentation na nanghihikayat ng suporta para sa drug war.

“Attend daw po ang mga teachers&some students sa Camp Crame next wk 2 attend a drug-free campaign seminar. The vid now being played in front of the classroom has a label “Let us support the anti-drug campaign”. I’m for children’s rights that’s why I won’t support Du30’s drug war,” ani Nica.

Bilang children’s rights advocate, ang ikinakatakot ni Nica ay gamitin ang mga ito bilang suporta sa drug war.

“So no clear explanation why parents are being asked to sign. My fear is – this will be used as a “show of support” to du30’s drug war,” ani Nica.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top