MRT-3, nagtala ng 548 service interruptions sa 2017; mas mataas kumpara noong 2016 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

MRT-3, nagtala ng 548 service interruptions sa 2017; mas mataas kumpara noong 2016

Scandalous Government

MRT-3, nagtala ng 548 service interruptions sa 2017; mas mataas kumpara noong 2016

Tila araw-araw ay nagtatala ng service interruption ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong nagdaang 2017.

Ayon sa datos mula sa MRT-3 website, pumalo sa 548 service interruptions ang naitala nitong 2017. Hinigitan pa nito ang 441 breakdowns noong 2016.

Kahit sa huling araw ng nakaraang taon, nagkaroon ng problema sa signaling system ang MRT-3 kaya napilitan itong magbaba ng mga pasahero.

Hindi rin nakaligtas sa aberya ang libreng sakay nito noong Rizal Day dahil naman sa electrical failure.

2017

Isa sa mga highlights ng MRT-3 sa taong 2017 ay ang paghiwalay ng isang bagon sa tren nito sa Ayala Station. Nasa 140 na mga pasahero ang napilitang maglakad papunta sa istasyon.

Naputulan naman ng braso ang isang babae matapos mahulog sa platform ng Ayala Station. Maswerteng naikonekta pa sa kanya ang naputol na braso.

Nahinto naman ang operasyon noong October 23 dahil sa nakasabit na diaper sa power line.

Sa kabila ng araw-araw na pinuputakte ng aberya ang train system, nagbitiw sa pwesto si dating Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez.

Tinapos naman ng Department of Transportation (DOTr) ang kontrata nito sa MRT-3 maintenance provider na Busan Universal Rails Inc., dahil umano sa poor performance at kabiguang isaayos ang mga bagon.

2018

Ipinaalala naman ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao kay DOTr Secretary Arthur Tugade na mayroon na lamang itong limang buwan upang solusyunan ang problema sa MRT-3.

Ayon kay Casilao, kung hindi mareresolba ni Tugade ang problema sa train system, dapat na itong bumaba sa pwesto.

“We remind DOTr Secretary Art Tugade that he only got five months to make the necessary improvement of MRT’s service. If he fails, resigning­ should be on top of his option. He promised that in six month, improvement will be felt by the commuters,” ani Casilao.

“The government in three consecutive years since 2015 already outpoured around P13B, it should have been used to established a support industry integrated with the local steel industry, so as to sustain the system, as well as serve as a proto-industry to totally support a nationalized mass transport system in the country,” dagdag pa ni Casilao.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top